Home Headlines DELTA: TAMA NA PO ANG TAPAL-TAPAL NA SOLUSYON

DELTA: TAMA NA PO ANG TAPAL-TAPAL NA SOLUSYON

413
0
SHARE

LUNGSOD NG SAN FERNANDO – Akma, malawakan, at pangmatagalang solusyon sa mga proyektong pang-imprastraktura ang naging panawagan ni Vice Gov. Dennis “Delta” Pineda sa mga kontratista at kay of Public Works Sec. Vince Dizon sa isinagawang inspection ng nasirang kalsada at slope protection ng Arnedo Dike sa bahagi mg Barangay Cupang, Arayat, Pampanga.

Batay sa initial assessment ng Bureau of Design ng DPWH, bumigay na ang ilang bahagi ng dike at slope protection.

Kitang-kita sa istraktura ang paglamon ng tubig sa ilang bahagi ng pundasyon ng dike. Inanod ang mga sheet piles sa ilalim, dahilan upang bumigay ang nasa 500 metrong haba nito sa naranasang malalakas na ulan noong nakaraang taon.

Kabilang sa temporary intervention ng DPWH ang pag-tambak ng lupa sa tuntungan ng nasirang bahagi upang maiwasan ang scouring, at dagdag na proteksyon upang hindi rumagasa ang tubig sa komunidad, lalo na sa pagdating ng tag-ulan.

 

Pangalawang intervention na gagawin ng ahensya ang desilting ng ilog at paggawa ng cut-off channel upang maiwasan ang masamang epekto nito hindi lamang sa bayan ng Arayat kundi pati na rin sa mga kalapit na bayan tulad ng Sta. Ana, Mexico, at Lungsod ng San Fernando.

Sa oras na mabigyan ng clearance, handa umanong tumulong ang Kapitolyo sa isasagawang desilting.

 

Samantala, magsasagawa ng pulong-pagpaplano ang technical working group ng ahensya katuwang ang Bureau of Design at DPWH District Office 1 upang mapag-usapan ang naaangkop na disenyo para sa dike para sa pangmatagalang solusyon sa problema. Pampanga PIO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here