Pila ng LPG tanker mahaba pa rin

    417
    0
    SHARE

    MARIVELES, Bataan- Mahaba pa rin ang pila nitong Miyerkules ng mga tanker na naghihintay na makargahan ng Liquefied Petroleum Gas sa Bataan LPG Terminal ng Liquigaz sa Barangay Alas-Asin, Mariveles, Bataan.

    Nakahilera sa isang linya ng kalsada ang 97 tanker bandang alas-11:30 ng tanghali na wala pa ring badya ng pagtinag. Ang mga driver ay nagkukuwentuhan sa kalapit na tindahan samantalang ang iba ay nakahiga sa mga duyan.

    May ilang driver na nagsabing Huwebes pa noong isang linggo ay nakapila na sila samantalang ang iba naman ay anim hanggang pitong araw na raw. Nakapuwesto umano ang mga truck nila sa bandang gtina ng pila kaya mas matagal pa ang mga nasa unahan.

    “May ilan-ilang nasisingit pero mas inuuna nilang kargahan ang sariling truck ng kumpanya,” sabi ng isang driver mula sa Bulacan. “Basta kami waiting daw,” sabi ng isa pang driver mula sa Cabanatuan City na parelaks-relaks sa duyan.

    Ayon kay Reny Antimo, dumating siya sa Alas-Asin mula sa Malabon City noong Linggo. Halos nasa kadulu-duluhan ng pila ang tanker niya. “Walang sinasabi kung bakit hindi makargahan ang mga tanker pero ako naghihintay lang ng pasabi kung maaari ng pumasok,” sabi ng driver.

    Nakiusap ang mga local reporters na makausap ang sino man sa Liquigaz ngunit sa outpost lang ng security guard pinaghintay ang mga mamamahayag. Hindi sila nakalapit sa gate ng Liquigaz na dati-rati nilang nagagawa na may halos isang daang metro pa ang layo.

    “Negative daw,” sabi ng security guard, na ang ibig sabihin ay walang available na opisyal.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here