1.
Mayron na ring nagaganap na SAKUNA sa Quezon Road
kahit noong panahon pa ni ex-mayor MANUEL BONDOC
dahil pagsapit ng GABI kadilima’y bumabalot
sa nabanggit na lansangang SAN SIMON ang sumasakop
lalo ngayon na DUMAMI sasakyang humaharurot
malimit ang AKSIDENTE na lubhang nakakatakot
2.
Sa panahon ni MAYOR WONG aksidente’y nabawasan
mula ng ipaaayos ang mga LUBAK sa lansangan
dati kahit sa UMAGA nang malubak pa ang daan
MALALAGIM na sakuna ay laging nasasaksihan
dahil marami sa driver ang madalas MAG-ALANGAN
sa MALALALIM na butas na laging iniiwasan
3.
Ngayon dahil sa dumaming nagdaraang MOTORISTA
lalo pagsapit ng gabi ay palaging may SAKUNA
kadalasan mga SINGLE ang tuwina’y nadidisgrasya
dahil saksakan ng dilim GUHIT ay di na makita
malimit ang aksidente’y nagaganap sa KURBADA
lalo na kung umuulan at MADULAS ang kalsada
4.
Naupo si mayor JP hindi rin NAPAGTUUNAN
ng pansin ang mahirap na MAANINAG na lansangan
mga naging ACTING MAYOR sa panahon na nagdaan
ang dilim sa Quezon Road ay hindi rin NASOLUSYUNAN
imposible namang ito’y hindi nila NALALAMAN
gayong may pagkakataong dito sila DUMADAAN
5.
Sa madilim na Quezon Road ay marami ng REKLAMO
ang madalas SABIHIN ng mga nakakausap ko
hindi lang mga SIMONIANS at mga taga MEXICO
ang nagtitis sa dilim pati dayuhang BIYAHERO
bakit di raw kumikilos itong mga MUNISIPYO
gayong maaari namang mapaglaanan ng PONDO
6.
Ang madilim na Quezon Road kailan PALILIWANAGIN
na sa tagal ng panahon ay di NABIGYAN ng pansin
mayron namang mabibiling solar LIGHTS na mumurahin
kahit na yun na lang sana muna ang ating GAMITIN
importante’y LUMIWANAG ang kalsadang tatahakin
nitong mga motorista na SAKLAW ng bayan natin
7.
Sana ngayong ang alkalde ay si JOSEPHINE ANNE CANLAS
ang madilim na Quezon Road sa kanya ay LUMIWANAG
dahil sa PAGSISIKHAY ni mayora at pagsisikap
ang CDCP sa ngayon ay kanyang napaliwanag
sana sa susunod naman ang mabigyan niya ng LUNAS
ang Quezon Road na sa DILIM ay wala ng MAANINAG



