Plaza Mayor de Balanga nagmistulang graveyard

    377
    0
    SHARE

    BALANGA CITY – Nagmistulang graveyard ng mga santo at lugal ng katatakutan ang Plaza Mayor de Balanga at center island sa pagitan ng nabanggit na liwasang bayan at St. Joseph Cathedral sa Balanga City nang buksan noong Huwebes ng dapit-hapon ang halloween display ng magandang lungsod sa Bataan.

    Nakahanay ang mga tombstones of saints na may mga krus na kahoy samantalang nakapaikot din ang malalaking tila replica ni kamatayan. Wari ay kalansay ang mga mukha na ang katawan ay nababalutan ng itim na robe.

    Bukod sa plaza, makikita rin ang mga kalansay with flowing robes sa harap ng ginagawang city hall at fast food chain.

    Ang tila libingan ng mga santo ay waring nag-blend sa mga life-size statues ng mga santo sa harap ng cathedral.
    Tila enjoy naman sa pagmamasid ang maraming tao.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here