Home Headlines Christmas decor itinulad sa mga lamang dagat

Christmas decor itinulad sa mga lamang dagat

293
0
SHARE

PILAR, Bataan – Inilawan na ang magandang Christmas decoration dito Linggo ng gabi na may temang “Under the Sea: Alon ng biyaya, Pasko ng pag-ibig.”

Pagkatapos ng maikling programa na tampok ang sayaw ng kabataan, isinagawa ang countdown sa pangunguna ni Mayor Carlos Pizarro, Jr.

Habang nagsasaboy ng iba-ibang liwanag sa kalangitan ang fireworks display, tumambad ang mga Christmas décor gaya ng mga tila coral reef at malalaking kabibie sa Flaming Sword marker na puwedeng pasukin upang magpa-litrato.

Ang Flaming Sword marker ay simbulo ng ipinakitang katapangan ng mga sundalong Pilipino noong World War II.

May mascots na Patrick, Ariel at Baby shark. May mga tila malalaking dikya na nagbubuga ng bubbles at iba pa.

“Ang importante dito sa ating bayan maayos tayo, maganda at nagkakatulungan gaya ng mga alon. Ang alon ang magandang halimbawa na dito sa atin sa bayan ng Pilar, magiging masaya at maayos ang ating kapaskuhan,” sabi ni Mayor Pizarro.

“Itong lighting ceremony ay para sa mga bata upang maging masaya ang ating mga kabataan at kapag masaya ang mga bata, alam naman po natin na masaya ang buong pamilya,” dagdag ng mayor.

“Kaya ang akin lang mensahe sa ating mga kababayan sa Pilar ay ang alon na iyan ay makarating lahat sa ating tahanan upang ang pag-ibig sa bawat isang pamilya ay laging nasa ating puso,” sabi pa ni Pizarro. (30)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here