Home Headlines Senior Citizen ng Dinalupihan alagang-alaga

Senior Citizen ng Dinalupihan alagang-alaga

190
0
SHARE

DINALUPIHAN, Bataan – Kung may local government unit na nag-aasikaso ng husto sa kanilang mga senior citizen, isa na marahil ang Dinalupihan LGU sa Bataan na alagang-alaga ang mga nakakatanda na  edad 60 taong gulang pataas.

Tuwing ikatlong buwan, ang mahigit 12 libong senior citizen sa 46 na barangay ng Dinalupihan ay nagsasama-sama sa kanilang kaarawan at tumatanggap ng regalo  mula sa municipal government sa pangunguna ni Mayor Tong Santos.

Tulad nitong Martes, ginanap ang 4th Quarter General Assembly of Senior Citizens sa malaking Dinalupihan Civic Center  kung saan hinandugan ng sayaw, awitin at pa-raffle ang 950 Senior citizen na ang birthday ay mula Oktubre hanggang Disyembre. 

Ang 15 birthday celebrant sa mismong Nobyembre 25 ay nakatanggap ng tig-P1,000 cash. Nanalo sa raffle ng tig-P1,000 ang 100 celebrant, tig-P500 ang 70 at P5,000 ang tatlong iba pa.

Ang iba ay nanalo sa raffle ng  NGCP food pack samantalang lahat ay tumanggap ng family food pack.

“Pasasalamat at pagbibigay- pugay sa lahat ng ambag ninyo noong kabataan ninyo para sa ating bayan. Paulit-ulit naming sinasabi,  wala ang bayan ng Dinalupihan kung gaano ka-asensado ito ngayon kung hindi dahil sa ating minamahal na mga senior citizen,” sabi ni Mayor Santos.

Nakapagbigay na umano ang munisipyo ng one time cash incentive na P5,000 at noong isang linggo bumaba na ang programa ng gobyerno na may 200 nabigyan ng P10,000  ang mga may edad na  80, 85 at 90 taong gulang at P500 sa 86 – 89.  Isang babaing 100 taong gulang na ang na-awardan ng P100,000 mula sa DSWD. 

Isang lalake naman daw ang magiging 100 taong gulang sa darating na Disyembre   at tatanggap ng P100,000 mula sa national government.  “Malakas pa rin siya kaya kayo pahabain pa ninyo ang buhay ninyo. Hindi madaling mabuhay ayon sa sabi ng matatanda pero masarap nabubuhay.”(30)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here