Malaking pawikan nakuha sa Limay

    484
    0
    SHARE
    LIMAY, Bataan – Nagmistulang pista noong Biyernes ng umaga ang tabing-dagat ng Barangay St. Francis dito nang makahuli ng isang malaking babaing pawikan. Pinakawalan din ito makalipas ang isang oras sa Manila Bay sa tapat ng nasabing bayan.

    Ayon sa mangingisdang si Gerry Malobo, 45, nahuli niya ang pawikan nang masaklit ito sa kanyang lambat habang nangingisda bandang alas-7:30 ng umaga. Agad ding pinakawalan ang pawikan alas-8:30 ng umaga ring iyon.

    May timbang na 45 kilos at may habang 90 sentimetro at lapad na 70 sentimetro ang babaing pawikan. Nabibilang ito sa Olive Ridley specie.

    Kailangan aniyang pakawalan ito agad upang hindi manghina. Pangalawang pagka-kataon pa lamang umanong nakahuli ng pawikan sa lugar na ito ng mga mangingisda  sa Limay sa dako ng Manila Bay.

    Sa mga bayan ng Bagac at Morong sa Bataan na may magagandang buhanginan ang mga dalampasigan  malapit sa South China Sea, pangkaraniwan ng nangingitlog ang mga pawikan.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here