LUNGSOD NG BALANGA – Laking gulat ng isang magsasaka noong Martes ng hapon nang sa pagtiklop ng lupang inaararo ay makita niya ang isang luma at kinakalawang na granada sa kanyang bukirin sa sitio Maluang, Barangay Central dito.
Agad-agad na dinala ng magsasakang si Archi Pellular ang granada sa Patrol 117 sa Balanga na kaagad namang tumawag sa Explosives Ordnance Division (EOD) sa Bataan Provincial Police Office sa Kampo Tolentino.
Ayon kina PO2 Rodel Borja at PO2 Emmanuel Obille ng Bataan EOD, ang ordnance na nakuha ng magsasaka ay isang vintage hand grenade na gamit ng mga Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Buo pa anila ito at hindi pa sumasabog kaya delikado pa rin kung magagalaw ang pin nito.
Dadalhin ito sa Camp Aquino sa Tarlac upang doon pasabugin.
Ilang araw pa lamang ang nakakalipas ay naka-rekober ang EOD ng mga hindi pa napapaputok na bomba at mortar sa Mariveles, Bataan.