HERMOSA, Bataan – Umabot hanggang dibdib ang taas ng tubig baha sa maraming bahay sa barangay Almacen, Hermosa, Bataan Huwebes ng umaga dala ng patuloy na pag-ulan kahit wala na si “Juan”.
Halos hindi na malaman kung alin ang kalsada at alin ang ilog sa Almacen dahil sumampa na ang tubig ng Almacen River sa kabuuan ang barangay. Lampas beywang ang lalim ng tubig sa kalsada.
Makikita ang maraming bangkang de motor na nagbibiyahe paalis at pabalik sa Almacen na ang karaniwang sinasakyan kung walang baha ay mga tricycle.
Nagmistulang karagatan naman ang lupang sakahan ng magkatabing barangay na Almacen at Pulo. Ang kalsada at ang lupang sakahan sa Pulo ay magka-level na dahil sa rumaragasang tubig baha.
Titigil lalakas ang ulan sa Bataan na ang mga sasakyang dumaraan sa Roman Superhighway ay kailangan pang magsindi ng ilaw dahil sa dilim ng paligid.