Home Headlines Mangingisda nahulihan ng dinamita

Mangingisda nahulihan ng dinamita

226
0
SHARE

SAN ANTONIO, Zambales — Isa sa limang mangingisda na hinihinalang gumagamit ng dinamita ang nasakote ng mga tauhan ng Maritime Law Enforcement Unit (MLET) na nagasagawa ng seaborne patrol sa karagatang sakop ng bayang ito.


Ang suspek ay nakilalang si alias Ran, 43, na taga Barangay Lamao, Limay, Bataan.
Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang MLET na may mangingisdang gumagamit ng dinamita kung kaya nagsagawa ng seaborne patrol sina Pat. Brent D Lunag at Pat. Alerto C Padua. Pagkakita sa mga papalapit na pulif, nagsipagtalunan sa dagat ang limang mangingisda habang ang isa naman ay pinatakbo ng mabilis ang kanilang bankang de motor papunta sa direksyon ng Capones Island kung saan ito inabutan ng mga humahabol na tauhan ng maritime police.


Nakumpiska sa suspek ang isang bangkang de motor na nagkakahalaga ng P500,000; limang improvised explosives na may blasting caps na along kilala na “bung-bung” na nagkakahalaga ng P10,000; 13 piraso ng 750ml na bote ng hinihinalang  ammonium na nagkakahalaga ng P7,000; isang set ng compressor tank na nagkakahalaga ng P3,000; dalawang piraso ng fish finder na nagkakahalaga ng P80,000; isang set ng yellow green compressor hose na nagkakahalaga ng P2,000; at 70 kilos ng ibat ibang klase ng isda na huli sa dinamita na nagkakahalaga ng P7,000. 

 

          
Nasa kustodiya ng San Antonio MLET ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya para sa tamang dokumentasyon at disposisyon. Photos: San Antonio MLET

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here