ORANI, Bataan – Nakasisindak na kamatayan ang inabot ng isang katulong at isang binatilyo matapos silang matagpuan na parehong may gilit sa leeg mula sa kitchen knife at naliligo sa sariling dugo sa isang bahay sa barangay Maria Fe, dito Sabado ng umaga.
Ayon kay SPO3 Alberto Manabat, Orani police investigator, walang bakas ng pagnanakaw sa bahay batay sa kanilang imbestigasyon.
Ito rin ang sinabi ni Maria Fe kagawad Crispin Hernandez na isa sa sumugod agad sa pinangyarihan ng krimen.
Sinabi ng imbestigador na patay na ang katulong na si Ein delos Santos, 23, tubong Iloilo at Cyril Jaster de Tablan, 13 nang makita matapos sapilitang buksan ang saradong pinto ng bahay. Kitchen knife diumano ang ginamit sa pagpatay.
Ipinahayag pa ni Sgt. Manabat na may nakakitang lumabas ang binatilyo sa bahay bago mag-alas-8 ng umaga na bitbit ang isang bag upang diumano’y magswimming. Subalit pumasok daw uli ito sa bahay at hindi na lumabas.
Sinabi naman ni barangay councilman Hernandez na isang kasambahay ang dumating alas-9:15 ng umaga at nang makitang sarado ang bahay at walang sumasagot sa loob ay sapilitang binuksan ang pintuan sa harap.
Doon, aniya, tumambad ang patay at duguang binatilyo sa isang parte ng sala. Ang walang buhay na katawan naman ng katulong umano ay nasa labas ng bahay sa loob din ng compound.