BALANGA City, Bataan – Nagpatalbugan ang sampung piling dilag upang masungkit ang titulong “Mutya ng Lungsod ng Balanga” para sa taong kasalukuyan sa pre-pageant na ginanap sa Crown Royale Hotel Linggo ng gabi.
Walang tulak-kabigin ang mga hurado sa naggandahang binibini na walang sawang pinalakpakan ng maraming taong sumaksi mula sa kanilang production number hanggang sa kanilang pagpapakilala at sa casual wear at talent competition.
May sumayaw, may nagpamalas ng galing sa martial arts, may umawit, may nagpandanggo sa ilaw. Ang iba naman ay iba-ibang interpretative dance ang ipinamalas.
“Sa mga binibini, sa mga kandidata makikita ang kagandahan, kahusayan at kagalingan ng isang Balangueno,” sabi ni City Mayor Joet Garcia.
Sa darating na ika-26 ng Abril pipiliin ang mapalad na “Mutya ng Lungsod ng Balanga 2010” kasama ang tatlong runner-ups.
Ang beauty pageant ay isa lamang sa maraming aktibidad na taon-taon ay ginaganap sa Balanga bilang tampok bago sumapit ang kapistahan ng kabisera ng Bataan sa Abril 28.