1.
Itong tulay sa San Miguel sa may bayan ng SAN SIMON
ay wala ng PONDO para daw sa susunod na taon
ito’y base sa nakalap naming mga IMPORMASYON
na naka-post sa FB page ng CONGRESSWOMAN kahapon
ang TWO YEAR’S na pinangakong matatapos ang konstruksiyon
malabo na’t gugugol pa ng MATAGAL na panahon
2.
At dahil wala ng pondo sa taong 2026
kaya’t ang mamamayan ng San Simon ay NAGAGALIT
lalo ngayong TUMATAAS pa ang level nitong tubig
mga BANGKA sa badeo ay hirap ng makatawid
mayrong mga residenteng NATATAKOT na tumawid
dahil sa lakas ng agos ay talagang MAPANGANIB
3.
Mayrong mga nagtatanong kung kailan daw MATATAPOS
ang tulay na matagal ng PINONDOHAN ng MAAYOS
isa sa mga staff ng MAMBABATAS ay sumagot
ang sabi ay mayron namang isang tulay na DETOUR ROAD
sa ganitang katanungan sino kaya ang NAG-UTOS?
sa mga NAG-UUSISA na ganoon ang isagot?
4.
Samantalang nung AUGUST 8 taong 2022
nagkaroon ng GROUNDBREAKING itong nasabing proyekto
316 MILLION nga ang halagang ipinondo
galing sa NATIONAL BUDGET mismo ng ating gobyerno
hindi natin masisisi kung MAGTANONG man ang tao
patungkol dito sa tulay kung ano na ang ESTADO
5.
ilang taon pa kaya ang hihintayin ng SIMONIAN
bago matapos tulay na NATENGGA na ng matagal
lalo ngayong walang pondo na dito ay INILAAN
sa taong 2026 buhat sa PAMAHALAAN
hanggang kailan MAGTITIIS itong mga mamamayan?
sa kalbaryong malaon na nilang PINAGDUDUSAHAN
6.
Ang 316 MILLION saan na nga ba NAPUNTA?
panahon na upang dito ay mayrong MAG-IMBESTIGA
kung magkano ang HALAGA at sino ang KONTRATISTA?
at kung sino ang NAGBIGAY at PUMIRMA sa kontrata
dahil higit TATLONG TAON na nga sa pagkakatengga
ang tulay ng SAN MIGUEL na dapat sana ay tapos na
7.
Di lang dapat nakatutok ang mga IMBESTIGASYON
sa puno ng kontrobersiya na proyekto sa FLOOD CONTROL
isali na pati na rin mga tulay sa SAN SIMON
baka may ANOMALYA din na dito ay nakabaon
tinatawagan ng pansin si SECRETARY VINCE DIZON
ang problema ng SIMONIANS na mabigyan ATENSIYON