ABUCAY, Bataan- Tiklo ang isang tubero matapos mahulihan ito ng 10 maliliit na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu sa isang buy-bust operation Sabado ng gabi sa barangay Wawa, Abucay, Bataan.
Ayon kay Insp. Galahad D. Taqueban, Abucay police chief, bumagsak sa kamay ng pulisya si Cesar Renosa, 42, isang tubero ng Wawa, na kasalukuyang nakapiit sa Abucay municipal jail matapos ang isang matagumpay na operasyon sa tulong ng isang police poseur-buyer alas-7:30 ng gabi.
Inihahanda na ng Abucay police ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 sa ilalim ng Sections 5, 11 and 12 o ang violation sa anti-drugs act. Nahuli sa suspek ang shabu na diumano’y may street value na P10,000. Isang toother na gamit sa paghithit ng shabu ang diumano’y nakumpiska rin sa kanya.
Pinaigting ang kampanya laban sa mga ipinagbabawal na gamot sa utos ni Senior Supt. Arnold Gunnacao, bagong Bataan police director, sabi ni police information officer Insp. Dennis Orbista.