Biik isinilang na may 2 sex organs

    717
    0
    SHARE
    LUNGSOD NG BALANGA – Laking gulat ng mga tauhan ng isang piggery sa Balanga nang makita nila na mula sa 15 biik na kasisilang ngayong umaga ng Lunes ay may isang biik na may dalawang malalaking bayag o testicles at sex organ ng babae.

    Ang mga biik ay ipinanganak ng isang malaking inahen alas-4 ng madaling araw sa piggery farm ni Retired police Gen. Odelon Ramoneda sa barangay Munting Batangas, dito.

    Malusog ang biik katulad ng mga kapatid nito at nakikipag-unahan pa sa pagsuso sa nakahilatang inahen.  Ang tanging kakaiba dito ay ang pagkakaroon ng tila dalawang kasarian kaya hindi malaman ng mga nag-aalaga kung babae ba o lalaki ito.

    “Balaki itatawag namin sa biik,” sabi ng mga nag-aalaga sa pangunguna ni Danny Cumilang.

    Sa tagal umano ng pag-aalaga nila ng baboy, ngayon lamang sila nakaranas na magkaroon ng ganitong biik.

    Ayon sa Office of the Provincial Veterinarian sa Balanga, ito’y isang abnormality na ang tawag nila ay “monster”. Sinabi ni Veterinarian Kenneth Velasco na ngayon lamang din siya nakakita ng ganitong baboy na lumabas ang dalawang combined testicular and ovarian organs. “Kailangan isang sex organ lang,” dagdag nito.

    Mahigit isang taon na ang lumipas, isang biik ang ipinanganak sa nasabing farm na may isang katawan ngunit may dalawang ulo, tatlong mata at walong paa.  Ilang oras lamang ay namatay din ito. Naka-preserved ang biik na ito sa mismong piggery.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here