LIMAY, Bataan – Isang welder na patawid sa Bataan Superhighway pabalik sa kanyang kalapit na welding shop sa barangay Reformista, Limay ang nahagip ng isang malaking pampasaherong bus noong Sabado ng gabi at namatay noon din.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rodito Zamora, 48, ng Reformista at may-ari ng isang welding shop malapit sa intersection ng sityo Tundol sa Reformista.
Ayon sa ilang nakasaksi na tumangging magpakilala, bumili lamang ang biktima ng sigarilyo sa sari-sari store pasado alas-8 ng gabi at pabalik na sa kanyang shop na nasa tapat lamang nang mabundol ng isang pamasaherong bus ng Genesis Transport Services.
Galing Metro Manila at papuntang Mariveles, Bataan ang bus nang mangyari ang aksidente.sa superhighway na daanan ng maraming sasakyan.
Pansamantalang nakapiit sa Limay municipal jail ang driver ng bus na si Magtanggol Esperancilla, 49, ng Mariveles na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide, sabi ni police information officer Insp. Dennis Orbista.