ORANI, Bataan- Nanawagan noong Biyernes ang mga kaanak ng dating kapitan ng barangay na binaril at napatay sa kanyang sariling bahay sa Tagumpay, Orani na sana’y makonsensiya ang may kagagawan ng pamamaslang.
Ayon kay Teresita Andaya, 55, wala siyang alam na kagalit ang kanyang asawang si Hilario Andaya, 56, dating kapitan ng barangay Tagumpay at kasalukuyang auditor dito. “Sana, makonsensiya at sumuko na kung sino man ang pumatay sa aking asawa at kung may kagalit man tama bang patayin siya?,” sabi nito.
Ang dating kapitan na nag-iisa ay natagpuang patay sa likod ng bahay nito. “Binaril ng patalikod,” sabi ng asawa. Maaari umanong nangyari ang pamamaril sa pagitan ng ala-1:30 hanggang alas-5 ng hapon.
May tatlong tama ito ng hindi pa alam na kalibre ng baril sa likod. Walang basyo ng bala ang nakita ng mga pulis sa pinangyarihan ng krimen.
Sinabi naman ni Chief Insp. Palaleo Addag, Orani police chief, na patuloy ang kanilang imbestigasyon upang matukoy at mahuli ang salarin o mga salarin.