ORANI, Bataan – Sa hindi pa malamang dahilan, bumangga ang isang motorsiklo sa pader at pagkatapos sa dalawang poste sa bungad ng malaking tulay sa Orani Sabado ng gabi na naging dahilan upang mamatay ang isang papaalis ng overseas Filipino worker at masugatan naman ang kaangkas niyang asawa.
Sa report ng pulisya, dead on arrival sa Orani Emergency Hospital si Fernando Guanlao, 39 ng Mulawin, Orani, isang panadero na halos dalawang buwan pa lamang na dumating mula sa Iraq at pabalik na sana noong Linggo sa nasabing bansa.
Sugatan naman ang asawang si Joana Cruz-Guanlao, 34 na isinugod din sa ospital sa Orani ngunit inilipat sa Sta. Joseph Hospital sa Balanga City, sabi ni police provincial information officer Insp. Dennis Orbista.
Pauwi na ang mag-asawa nang mangyari ang sakuna bandang 10:15 ng gabi. Pareho diumanong walang helmet ang dalawa. Tumilapon ang mag-asawa sa kalsada mula sa motorsiklong wasak ang unahang bahagi.