Home Headlines Nabitin na flood control project muling ginagawa

Nabitin na flood control project muling ginagawa

286
0
SHARE

SUBIC, Zambales — Habang nasa kainitan ang imbestigasyon kaugnay sa mga umano’y maanomalyang flood control project, isa pa ang lumutang sa bayang ito. Ito ay ang sinasabing nabitin na “improvement” sa bahagi ng Cawag River na matatagpuan sa Bridge ll, Barangay Cawag na nagkakahalaga ng P96,449,479.14. 
Dapat ay nai-turn over na noon pang Dec. 24, 2024, subalit ngayon lang muling itinutuloy ng Repolman Construction Corp. 

Makikita ang bagong dugtong sa ginawang dike at sa kabila naman ng tulay sa kabilang bahagi ang putol at napabayaan na bahagi ng flood control project.

Ayon naman kay 2nd District Engineer Rey Lerio, nabalam ang paggawa ng flood control project dahilan sa nagkaroon ito ng problema sa usapin sa “right of way” pero sa ngayon aniya ay nagpapatuloy na itong ginagawa.

Tiniyak din ni Lerio na sa katapusan ng September 2025 ay matatapos na ang nasabing flood control project. Photos: JRR

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here