
LUINGSOD NG CABANATUAN — Itinalaga bilang acting chief of police ng Cabanatuan City Police Station si Lt. Col. Leonardo Madrid sa simpleng seremonya na ginanap sa conference hall ng Nueva Ecija Police Provincial Office nitong Biyernes, Sept. 5.
Pinalitan ni Madrid si Lt. Col. Renato Morales na nagsilbing hepe ng CCPS simula noong Aug. 22, 2024.
Pinangunahan ni Nueva Ecija police director Col. Heryl Bruno ang turnover ceremonies, kasama ang kanyang command group, mga hepe ng iba’t ibang istasyon ng pulisya, at ang chief of clerks ng provincial headquarters.
Ang Cabanatuan City ang itinuturing na sentro ng komersiyo at edukasyon sa Nueva Ecija.
Bukod sa malalaking unibersidad at kolehiyo at mga negosyo, kabilang ang mga mall, ay nasa lungsod rin ang mga pangunahing ospital na nagsisilbi maging sa mga pasyente mula sa ibang probinsiya.
Sa kanyang mensahe ay kinilala ni Bruno ang mahusay at matapat na paglilingkod ni Morales kasabay ng pagtanggap kay Madrid.
“I extend my gratitude to Lt. Col. Renato C. Morales for his dedicated service as chief of police of Cabanatuan City. His commitment has greatly contributed to the safety and order of the city. As we welcome Lt. Col Leonardo N. Madrid, I place my full trust in his leadership to continue and strengthen the programs of NEPPO in line with our mission to protect and serve the people of Cabanatuan.
Rest assured that the provincial office will always provide its support to ensure effective law enforcement and public safety,” saad ni Bruno.