Awit ng alon sa tatlong beach resort sa Bataan

    456
    0
    SHARE
    MORONG, Bataan- Wari’y umaawit ang mga alon habang naglalaro sa malawak na bahagi ng South China Sea malapit  sa mga kulay abong pinong buhangin ng tila walang katapusang dalampasigan ng mga beach resorts sa Morong, Bataan.

    Mahigit sa isang dosenang pribadong beach resorts ang mapagpipiliang dayuhin sa Morong kabilang na ang Juness Beach Resort, East-West Beach Resort at Manager’s Place na halos magkakatabi sa Barangay Nagbalayong.


    Juness Beach Resort

    Ang entrance fee dito ay P150 sa matatanda at P100 para sa mga batang  tatlo hanggang 12 taong gulang.  Maraming picnic huts na ang bayad ay mula P300 hanggang P500 samantalang ang mga cabana ay mula P1,000 hanggang P1,500.

    Maraming mapagpipiliang kwartong tulugan na fully air-conditioned na available for P2,200 hanggang P3,500 good for four persons na ang check-in time ay alas-2 ng hapon hanggang alas-12 ng tanghali kinabukasan.

    Matapos maglunoy sa dagat o mag-boating sa halagang P100 per person, wari’y nanghahalina ang swimming pool.  May billiard table na ang bayad ay P200 per hour at sa mahiligin sa pag-awit, may videoke na magagamit P1,000 overnight.


    East-West Beach Resort

    Ang entrance fee sa isa sa pinakamatagal nang beach resorts sa Morong ay P120 bata o matanda. May walong rest houses dito good for 6 – 10 persons sa halagang P3,500 hanggang P4,000.

    May 40 open cottages/huts na ang bayad ay P1,000 – P1,500.  Ayon kay Gerry Santos, may-ari ng resort, maraming showers at comfort rooms sa resort na dinarayo ng mga tao kung weekends at summer time.

    Mapapansin ang volleyball net sa mismong dalampasigan na ang tunog  ng mga alon ay tila nag-aanyaya.


    Manager’s Place

    Sa maraming beach resorts sa Morong, namumukod-tangi ang resort na ito na walang entrance fee. By special accommodation at makakapasok lang dito kung uupa ang bisita sa alin man sa walong kwarto at dalawang function rooms.

    Ang mga kwarto ritong air-conditioned ay available sa halagang P3,000 – P3,500 good for 5 persons.  Nakakaakit at magaan sa paningin ang native rooms na ang mga dingding ay may mga dekorasyong gawa sa sawali.

    May dalawang malaking kusina kung saan pwedeng magluto ang mga bisita.  Available din ang mga open hut sa harap ng malawak na dalampasigan.na ang huni ng mga alon ay tila musika sa pandinig.  Sa daanan palagos sa buhanginan ay umaakit sa mga bata ang maliit na matsing sa puno.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here