Paralympics ginanap sa Bataan

    517
    0
    SHARE
    BALANGA CITY, Bataan – Ipinakita ng mga may kapansanan na hindi hadlang ang kanilang kalagayan sa buhay upang ipamalas ang kanilang galing sa iba’t-ibang uri ng laro sa ginanap na Paralympics ngayong Biyernes.

    Ang okasyon ay tinawag na Bataan Federation of Differently-Abled Persons’ Paralympics ’09 na ginawa sa Camp Cirilo Tolentino, headquarters ng Philippine National Police sa Balanga City.

    Ang mga matatanda at batang may kapansanan ay masayang sumali sa ilang paligsahan tulad ng wheelkaton, 25-meter walk at 25-meter run samantalang siyang-siya naman ang mga manonood.

    Nagpakita rin ng galing ang mga may kapansanan sa larong table tennis, basketball shooting at chess.

    Pinamahalaan ng Provincial Social Welfare and Development Office ang Paralympics sa tulong ng mga sundalo ng Philippine Army at mga pulis ganoon din ang iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan at non-governmental organizations.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here