Tila nakikipag-agawan ang mga ito sa mga mangingisda sa panghuhuli ng maliliit na isda na inaalis sa dalawang pinatuyong palaisdaan. Sinabi ng mga mangingisda na nagsimulang dumating sa buwang ito ang mga ibong dayo sa kanilang lugal.
Kinakain ng mga iba’t-ibang uri ng ibong egret (tagak) at sea gulls (kanaway) ang maliliit na isdang natira sa mga palaisdaan lalo na ang isdang ang tawag ay kataba. Ang malillit na isdang ito ay inaalis ng mga mangingisda sa palaisdaan upang hindi kainin ang mga ilalagay na panibagong binhing bangus o sugpo.
Tatlong uri ng egret ang nasa palaisdaan at ito’y ang mga Great Egret, Intermediate Egret at Little Egret na walang sawang nanginginain sa palaisdaan. Buhat sa itaas naman ay patuloy ang pagsisid ng mga sea gulls.
Ang mga ibon ay nakakain din umano ng mga bagong binhing bangus kung ang tubig ng palaisdaan ay mababaw lamang. Ang mga egret at seagulls ay lumulusob sa sandaling may mamataan ang mga itong bagong tuyong palaisdaan at ganoon din sa katihan sa kalapit na barangay ng Tortugas at Puerto Rivas.
Ang tatlong barangay na ito ng Balanga ay napiling isa sa 13 birdwatching sites sa Pilipinas. Bukas ang birdwatching season sa Balanga mula Setyembre hanggang Marso.