Home Headlines 11 tao nakagat ng asong ulol

11 tao nakagat ng asong ulol

217
0
SHARE

HERMOSA, Bataan: Labing-isang tao at tatlong hayop ang nakagat ng asong diumano’y posiitibo sa makamandag na rabies sa Barangay Mabuco dito, ulat ng Barangay chairman nitong Lunes.

Sinabi ni Barangay Mabuco chairman Florencio Ambrocio na ang nakagat ng asong ulol bukod sa 11 tao ay dalawang kambing at isang baboy. Hindi, aniya, kilala ang may-ari ng aso na ang mga nakagat ay buhat sa Hermosaville na sakop ng National Housing Authority.

Na-inject na umano ng anti-rabies ang 11 tao samantalang ang mga hayop ay naibaon na sa lupa.

Ayon kay Ambrocio, pinatay ang aso dahil kung hindi papatayin ay maaaring marami pang makagat. Nang ipasuri ay positibo umano ito sa rabies. Under control naman umano sa tulong ng kanilang mayor na si Atty. Anne Inton.

“Bukas, Martes magsasagawa ng mass vaccination ng mga aso sa NHA. Nananawagan kami na kung maaari ang lahat ng aso pakitali para maiwasan makakagat,” panawagan ng kapitan.

Nag-ikot na umano sila sa buong Hermosaville katulong ang mga pulis, marshal, Bureau of Fire at homeowners association at namigay ng tali ng mga aso.

Patuloy ang pagpupulong ng mga opisyal ng barangay sa pangunguna ni Kap. Ambrocio tungkol sa makamandag na rabies.

Samantala, sa Barangay Sta. Lucia sa Samal, Bataan, tuloy-tuloy ang vaccination ng anti-rabies sa mga aso at pusa.

SHARE
Previous articleKasali ka
Next articleThe essence of heroism

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here