1.
Sa nakalipas na linggo binugbog ng kontrobersiya
ang bayan ng SAN SIMON sa TV at sa social media
nang maaresto si mayor Punsalan sa ikinasa
ng NBI na ENTRAPMENT OPERATION sa PAMPANGA
TATLUMPUNG MILYONG PISO ang diumano’y nakumpiska
EXTORTION MONEY galing sa REAL STEEL na kumpanya
2.
Ang pagkaka-aresto ng NBI dito kay MAYOR
nagdulot ng KAHIHIYAN sa may bayan ng San Simon
siya’y dagliang sinampahan ng kasong PANG-E-EXTORTION
at paglabag diumano sa ANTI GRAFT AND CORRUPTION
damay ang limang BODYGUARD at kasama nitong doktor
na nasa pasilidad na raw ng NEW BILIBID PRISON
3.
Kontrobersiyal din sa ngayon ang kalsada sa MANABAK
na kung saan kailan lamang ay mayrong NAHULOG na trak
dahil makipot ang daan at graba ang itinambak
mga pobreng motorista’y kalbaryo ang dinaranas
idagdag pa ang kalsada dito sa may ARNEDO DIKE
dahil sa HEAVY VEHICLES lalong dumami ang lubak
4.
Noong nakaraang linggo ay agarang nag-INSPEKSIYON
si Honorable ANNE CANLAS na siyang ACTING MAYOR ngayon
ang nais niya ang problema ay mabigyan ng SULUSYON
suliranin sa basura at kalsada ng SAN SIMON
ilang araw pa lamang siyang NAKAUPO bilang mayor
nagpamalas na agad ng SIGASIG at DEDIKASYON
5.
Dedikasyon sa trabaho bilang isang LINGKOD-BAYAN
walang halong pag-iimbot at puno ng KATAPATAN
mga KATANGIANG dapat na taglayin ng sino man
na nagnanais MAGLINGKOD para sa kanilang bayan
kung ganyan ang mga lider sisibol ang KAUNLARAN
na pinakaaasam-asam nitong mga MAMAMAYAN
6.
At sa mga katangiang taglay ni MAYOR ANNE CANLAS
ang pag-asa ng San Simon sa kanya’y NABABANAAG
siya ay pwede ng IHANAY sa mga alkaldeng sikat
katulad ni VICO SOTTO, at mayor VILMA CALUAG
o kaya ni MAYORA WONG na di malimot ng lahat
sa tinanggap na papuri pagdating sa GOOD GOVERNANCE
7.
Maaaring si ANNE CANLAS ang alkaldeng MAGBABANGON
sa NADUNGISANG dignidad nitong bayan ng San Simon
nasa kanyang mga kamay ang pag-asang MAKAAHON
sa lusak ng kahihiyan na sa atin ay NAGBAON
bilang alkalde ng bayang sa simonians MAGTITIMON
harinawa siya’y gabayan ng DAKILANG PANGINOON