Piloto, estudyante ligtas sa crash

    456
    0
    SHARE
    FORT RAMON MAGSAYSAY, Palayan City – Tiniyak ng nga otoridad na ligtas na ang piloto at estudyante na sakay ng isang trainer plane na nag-crash landing sa kabundukan ng Sierra Madre kamakailan.

    Nguni’t hanggang nitong Huwebes ng umaga ay hindi pa sila nakararating sa command centet na inilagagay sa Maria, Aurora.

    Narating na ng mga rescuers bandang ang lugar na binagsakan ng Cessna plane sa magubat na bahagi ng Sierra Madre mountain sa boundary ng Pantabangan, Nueva Ecija at Maria Aurora, Aurora kahapon.

    Ayon kay 1Lt. Catherine Hapin, information officer ng 7th Infantry Division ng Philippine Army, nabigyan na rin ng paunang lunas ang student pilot na si Alexii Trinidad.

    Wala namang iniulat na injury ang instructor pilot na si Captain Albert Galvan.

    Bandang 12:30 p.m. ng Miyerkoles nang mag-crash landing ang trainer plane #162 RPC -1995 ng Fly Fast Aviation na galing sa Lingayen airstripp patungong Aurora.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here