Ginang, anak, patay sa pananaksak

    585
    0
    SHARE
    STO. DOMINGO, Nueva Ecija – Nahaharap ngayon sa kasong panggagahasa at dalawang bilang ng pagpatay ang isang 23-anyos na lalaki matapos umano nitong gahasain ang kanyang amo, pinatay pa ito at ang 3-taong-gulang na anak sa Barangay Malayantoc ng bayang ito kamakailan.

    Kinilala ang suspek na si Palcido Villanueva alyas Jimmy, residente ng Santiago City, Isabela at namamasukan bilang katiwala ng mga biktima.

    Batay sa imbestigasyon ng pulisya, ginahasa ng suspek si Jonalyn Bartolome Geranta, 29, sa bahay ng biktima nitong June 17. Matapos ang panggagahasa ay pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang ginang at anak nito na si Xian Raine.

    Natagpuan ang mga bangkay ng mga biktima sa loob ng kanilang banyo bandang alas-7 ng umaga, ayon sa pulisya. Nakatakas at kasalakuyang ginagamot sa ospital ang isa pang anak ng ginang na edad 8 taon.

    Ayon sa pulisya, natukoy ang pagkakakilanlan ng salarin sa pamamagitan ng nakaligtas na bata.

    Nakapiit ngayon ang suspek sa detention facility ng Sto. Domingo Police Station.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here