TALAVERA, Nueva Ecija – Libu-libong residente, pamilyang magsasaka at manlalakbay ang nakikinabang ngayon sa mga bagong konkretong kalsada na natapos ng Department of Public Works and Highways-Nueva Ecija 1st District Engineering Office (DEO) sa bayan ng Sto. Domingo kamakailan.
Batay sa ulat ni NE 1st DEO District Engineer Jun Vana, kabilang sa mga nakumpletong proyekto ang 404.5 linear meters sa Barangay Baloc, 396 linear meters sa Barangay Burgos, 389 linear meters sa Barangay Pulong Buli, 331 linear meters na lansangang nag-uugnay sa mga Barangay San Manuel at General Luna, at ang 390 linear meters sa Barangay Buasao.
“These infrastructure developments are designed to improve transportation within and between barangays—ensuring smoother movement of people and goods. By prioritizing road access, we are addressing the daily needs of our communities, especially farmers and residents who heavily rely on dependable transport routes,” pahayag ni Vana.
Sa kabuuan ay nasa 1.91 kilometers, ang ginawang kalsada na nagpapabuti sa kalagayan ng mga motorista at magbigay ng ligtas at mas maayos na biyahe sa mga estudyante, paliwanang ng opisyal. “Facilitating quicker transport of agricultural products for local farmers,” dagdag niya.
Ang mga proyekto na nagkakahalaga ng P24.3 milyon sa kabuuan ay pinondohan sa ilalim ng 2025 national budget.
Bahagi ito ng Basic Infrastructure Program and Sustainable Infrastructure Projects Alleviating Gaps (SIPAG) ng ahensiya. Contributed photos