Ang suspek ay kinilalang si Victor Correa, 38, residente ng Zone 1, Barangay San Agustin ng lungsod na ito.
Sa ulat ni Supt. Ricardo Villanueva, commander ng PPSC-NEPPO, nakatanggap ng tawag mula sa residente na nakilalang si Benito Aganon ang 3rd Maneuver Platoon na humihingi ng tulong.
Ayon kay Aganon, siya at ang kasama na nakilalang si Caridad Daileg-Lucero ay pinipigilan umano ng isang Boy Correa at kasama nitong si Ramon Correa mula sa kanilang bakuran sa Barangay Palestina.
Nang dumating ang mga otoridad, ani Villanueva, ay naabutan nilang nagsusuntukan sina Aganon at Ramon Correa, Naaktuhan rin ng mga pulis na bumunot si Victor Correa ng baril.
Mabilis namang nakatakas si Ramon nang mamataan ang mga pulis samantalang nasakote si Victor at nakumpiska mula sa kanya ang .45 pistola na may isang magasin at pitong bala.
Ayon kay Senior Supt. Crizaldo Nieves, director ng NEPPO, lumabas sa follow-up investigation na si Victor ay miyembro ng kilabot na Parica Group na sangkot sa gunfor- hire at panghoholdap sa lungsod na ito at mga karatigbayan.
May nakabinbin rin itong kaso na frustrated murder sa Regional Trial Court sa ilalim ng Criminal Case No. 1502- 09-SJC at illegal possession of firearms na may Criminal Case No. 12145 sa Municipal Trial Court Branch 2, sa lungsod ding ito.
Sinampahan ng bagong kaso na paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act si Correa dahil sa pinakahuling insidente.