1.
Sa halalang nakalipas tila di na UMIPEKTO
ang KARISMA ng artista upang sila ay iboto
karamihan sa kanila’y di pinalad na MANALO
di nabigyan ng puwang na sila’y MAKAPAGSERBISYO
pati na ang ilang sikat na artista sa SENADO
ay hindi na tinangkilik INAYAWAN na ng tao
2.
May mangilan-ngilan naman na nanalo sa HALALAN
mga artistang subok na bilang mga LINGKOD-BAYAN
tulad ni DANIEL FERNANDO ng lalawigang Bulacan
at senador LITO LAPID na anak ng Kapampangan
VILMA SANTOS , VICO SOTTO , na pamuling inihalal
dahil sa husay at galing nila sa panunungkulan
3.
Marami ang mga sikat na artistang di PINALAD
na manalo at nabigo sa halalang NAKALIPAS
kahit mayrong magagandang PLATAPORMANG inilahad
mamamayang PILIPINO ay hindi na nahikayat
suma total karamihan ay sa KANGKUNGAN nasadlak
ang kanilang pagnanais na MAGLINGKOD sa’ting lahat
4.
Lalo na ang nangarap na mapabilang sa SENADO
na palaging sinasabing ang hangad ay PAGBABAGO
tanging si PINUNO lamang na bida sa probinsiyano
ang pinagkatiwalaan at TINANGKILIK ng tao
malakas pa rin ang hatak nitong si LEON GUERRERO
na nakasungkit pa rin sa IKALABING ISANG pwesto
5.
Maging sa LOCAL ELECTION hindi na rin tinangkilik
mga sikat na artista ano man ang gawing GIMIK
ang mga pa-BUDOTS-BUDOTS waring hindi na EFFECTIVE
sa botante natin ngayong MALINAW ang pag-iisp
di katulad noong araw napakadaling MAAAKIT
ang mga taong makita lang sila ay KINIKILIG
6.
Mga artistang naghangad pasukin ang PULITIKA
nadamay sa kasiraan ng kapwa nila ARTISTA
mamamayang Pilipino’y ayaw ng MAGTIWALA pa
sa mga taong bihasa lamang daw sa PELIKULA
pagdating sa talakayan hinggil sa LEHISLATURA
diumano’y lumilitaw lamang na KATAWA-TAWA
7.
Di natin masisisi ang ating mga KABABAYAN
kung ang mga ARTISTA sa pulitika ay ayawan
dahil maraming NABUDOL sa panahong nakaraan
na bumoto sa artistang wala naman palang ALAM
kung mayroon mang matino sa kanilang INIHAHAL
mabibilang sa daliri ng kanilang mga kamay