SAN JOSE CITY – Isang kawani ng pampublikoing paaralan ang nagtangkang magpatiwakal at nasa pagamutan ngayon matapos matuklasan ang umano’y paulit-ulit niyang panghahalay sa menor-de-edad na pinsan sa Barangay Sto. Nino 3rd, sa lungsod na ito.
Sa ulat ng pulisya, sinampahan na ng kasong multiple rape in relation to Republic Act 7610 ang suspek na si Mark Edwin Maningas, 23, kawani ng Sto. Nino 3rd National High School at residente ng Barangay Callao.
Alicia, Isabela ngunit pansamantalang nakikipamahay sa pamilya ng 13-anyos na biktima. Sa imbestigasyon ni PO2 Marie Antonette Del Rosario, ng women and children protection desk, una umanong pinagsamantalahan ng suspek ang biktima, isang grade 4 pupil, bandang alas-8 ng umaga noong ika-24 ng Agosto 2013.
Lumalabas na nanonood ng TV ang biktima nang maupo sa kanyang tabi ang suspek at pinilit siyang manood ng sex video sa mobile phone nito hanggang sa sapilitang inilugso ang kanyang kamusmusan. Pinagbantaan pa umano ang biktma na “huwag kang magsusumbong at magsasabi, baka palayasin ka.”
Nagpaulit-ulit umano ang karahasan hanggang nitong bandang ala- 1 ng umaga ika-12 ng Enero 2014 sa kuwarto ng biktima. Dito na nagkalakas- loob na magsumbong ang biktima sa kanyang ina.
Ayon sa pulisya, nagtangkang magpakamatay ang suspek sa pamamagitan ng pagbaril sa kanyang ulo noong ika-15 ng Enero pero naisugod a Premier General Hospital sa Cabanatuan City. Ayoon kay SPO1 Melissa Eusebio, imbestigador, pormal nang naisampa nitong Lunes ang kaso sa city prosecutor’s office at naitala bilang III-14-INV- 14A-00024