Pulis, isinangkot sa nakawan ng armas

    469
    0
    SHARE

    GABALDON, Nueva Ecija – Nahaharap ngayon sa kawing-kawing na kasongt kriminal ang isang bagitong pulis dahil sa umano’y pagnanakaw ng mga armas at mahahagalang gamit mula sa istasyon ng pulisya at pakikipag-kutyabaan sa isang hinihinalang grupong kriminal.

    Ang suspek ay nakilalang si PO1 Kristian Peter Joe Rigdao, miyembro ng local na pulisya.

    Sa ulat kay Senior Supt. Crizaldo Nieves, director ng Nueva Ecija police provincial office, sinabi ni Senior Insp. Jaime Ferrer, hepe ng pulisya, na kasamang kinasuhan sa provincincial prosecutor’s office nitong Martes si Roger Martos, isang detainee.

    Ayon sa pulisya, pormal na isinampa sa piskalya ang kaso laban sa dalawa matapos na makalikom ng ebidensiya at testimonya na sila umano ang may kagagawan sa pagnanakaw ng mga Armalite rifle mula sa firearms rack ng istasyon, laptop, DVD player, mga mobile phones at sari-saring alahas na ebidensiya sa ilang nakasampang kaso at pera na nagkakahalaga ng P11,010 na nadiskubre noong Marso 28.

    Sa record ng pulsiya, isang 17-anyos na detenido ang nakasaksi sa mga ginawa nina Rogdao.

    Sa testimonya nito ay nagsimula umanong kuhanin ng mga suspek ang ilang gamit sa taguan ng pulisya noong Feb. 5, 2013 habang ang ibang pulis ay nasa labas at nagsasagawa ng Comelec checkpoint.

    “He saw PO1 Kristian Peter Joe Rigdao, and Roger Martos while in the act of detaching the door of the arms rack/steel cabinet in the supply room of said station and he also saw that said duo took a laptop, DVD player and other valuables things,” ayon sa police investigation report.

    Nang sumunod na araw ay muli umanong nakita ng testigo sina Rigdao at Martos na kumuha ng granada mula sa cabinet at noong March 26, bandang alas-5 ng hapon, ay nadiskubre na nawawala ang Armalite rifle ni PO3 Ronan Garcia.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here