I.
Mayrong mga PULITIKONG kapag hindi napagbigyan
sa nais na mangyari at sa kanilang KAHILINGAN
ay nagtatanim ng GALIT sa kanilang kalooban
dahil hindi nila tanggap ang tinamong KABIGUAN
nananatiling sariwa sa kanilang KAISIPAN
ang tila napakasaklap nilang naging KARANASAN
II.
Dahil dito, ay mayroong mamamayang APEKTADO
na hindi nabibigyan ng nararapat na SERBISYO
at ang isang DAHILAN ng mga kaganapang ito
ay dahil sa mga tao na may PAGKA-BENGGATIBO
sila’y hindi nararapat na MABIGYAN pa ng pwesto
kahit sa pinakababang antas ng ating GOBYERNO
III.
Nang dahil sa taglay nilang masamang PAG-UUGALI
mayrong ilang kababayan tayong mga NASASAWI
kadalasan sa pagtulong sila ay may PINIPILI
at yan ay ang mga tao nilang pinakatatangi
bakit kaya naatim ng kanilang mga BUDHI
pagkaitan ng tulong ang naghahanap ng KANDILI
IV.
Sa kanilang PAKIUSAP ay di lamang napagbigyan
na iboto, kandidato nilang SINUSUPORTAHAN
nagtatanim na ng galit at hindi na PAKIKINGGAN
karaingan ng tao na itinuring na KALABAN
hindi ba ang nararapat bilang isang LINGKOD-BAYAN ?
tulungan ang residente sa kanyang nasasakupan
V.
May ganitong insidente na kailan lamang ay naganap
sa pinakadulong baryo ng isang PAMOSONG syudad
maraming hindi natuwa at BINATIKOS kaagad
ang KAPITAN ng barangay at ilan sa mga KAGAWAD
dahil sa kapabayaan isang buhay ang NAUTAS
na biktima ng BENGGANSA na sadyang di nararapat
VI
Bakit kailangang SIKILIN ang karapatan ng tao?
na piliin kung sino man ang kanilang IBOBOTO
ang sariling kagustuhan ng sino mang PILIPINO
basta nasa matuwid ay AAYUNAN ng gobyerno
sa ating SALIGANG-BATAS ang lahat ay protektado
ayon sa isinasaad ng KARAPATANG PANTAO
VII.
Ang mga BENGGATIBO a’y hindi dapat manungkulan
sila’y mga pulitikong salot sa ating LIPUNAN
ang mga mapaghiganti at mayroong KAPUSUKAN
panganib ang idudulot nito sa sangkatauhan
mga taong nararapat MAGLINGKOD sa ating bayan
ay MAKA-DIYOS at mayroong busilak na kalooban