Home Headlines Ika-127 anibersaryo ng PN ipinagdiwang

Ika-127 anibersaryo ng PN ipinagdiwang

183
0
SHARE

SUBIC, Zambales – Ginunita ng Philippine Navy ang ika-127 anibersaryo ng pagkakatatag kung saan dumalo ang commander-in-chief Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong Martes, May 20, sa Naval Operating Base sa bayang ito.

Ang pagdiriwang ay may temang “Philippine Navy: Addressing Challenges, Promoting Regional Stability, and Strengthening Maritime Security.”

Ipinakita dito ang katatagan ng PN sa pagharap sa mga umuusbong na banta sa seguridad, ang aktibong papel nito sa kooperasyong pandagat ng rehiyon, at ang patuloy na modernisasyon nito upang protektahan ang mga maritime domain ng bansa.

Dumalo rin sina Defense Secretary Gilberto C. Teodoro Jr. at mga opisyal mula sa DND, Armed Forces of the Philippines, at major services.

Binigyang-diin ni Vice Admiral Jose Ma, Ambrosio Q. Ezpeleta PN, Flag Officer In Command ng PN, sa kanyang mga pahayag ang pagbabago ng navy sa isang moderno, multi-capable maritime force.

Pinasinayaan din ni Marcos Jr. at kinomisyon ng PN ang dalawang bagong asset ng hukbong-dagat, ang BRP Miguel Malvar (FFG06) at BRP Albert Majini (PG909) na magbibigay ng mas malakas na kakayahan sa pagprotekta sa ating karagatan at bayan.

Ang pagdiriwang na ito ay isang pagkilala sa serbisyo at dedikasyon ng mga miyembro ng PN at sa patuloy na pagprotekta sa bansa.

Sa mensahe ng pangulo pinasalamatan nito ang lahat ng kasapi sa hukbong dagat sa kanilang dedikasyon, tatag ng mga sundalong mandaragat, at pagtulong upang masigurong matagumpay at maayos ang nagdaang 2025 elections.

Binigyan din ng pangulo ng pagkilala sina Corporal Jestoni Dalman at Private 1st Class Jaypee Navales na sumagip sa 10 taong gulang na batang nalulunod sa Bulacan noong Marso.

Ayon sa pangulo, ito ay isang patunay sa lahat na ang isang bayani ay kumikilos hindi lang dahil kinakailangan, kundi sa katapatan din at tungkulin at pagmamahal sa kapwa.

Photos: Johnny Reblando

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here