Home Headlines P477.3-K shabu nasamsam, 3 arestado sa Ecija

P477.3-K shabu nasamsam, 3 arestado sa Ecija

321
0
SHARE

LUNGSOD NG CABANATUAN — Tinatayang nasa halos kalahating milyong pisong halaga shabu ang nasamsam at tatlong hinihinalang tulak ang nadakip ng mga operatiba ng Nueva Ecija Police Provincial Office nitong Linggo, ika-18 ng Mayo.

Batay sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Nueva Ecija police director Col. Ferdinand Germino, bandang alas-2 ng hapon nang isagawa ng Cabanatuan City Police Station ang buy-bust operation sa Barangay Padre Crisostomo. 

Naaresto sa naturang operasyon ang isang 43-anyos na lalaki na sinasabing notoryus na tulak sa lugar,

Ang pag-aresto ay isinagawa matapos umanong matagumpay na nakabili ng isang sachet ng sinasabing shabu mula sa suspek ang mga undercover na pulis.

Nang maaresto ay nakuhanan pa umano ito ng dalawa pang sachet na naglalaman ng karagdagan na 70.20 grams ng shabu na batay sa pamantayan ng Dangerous Drugs Board ay nagkakahalaga ng P477,360.00.

Nasamsam din mula sa suspek ang markado na P1,000 na ginamit sa buy bust, ayon kay Germino.

Nagsagawa rin ng magkakahiwalay na anti-illegal drugs operation ang Bongabon Police Station at Palayan City Police Station kung saan nasamsam mula sa dalawang suspek ang 1.52 gramo ng shabu na nagkakahalaga P10,336.

Pawang nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mga suspek, ayon pa kay Germino.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here