SAMAL, Bataan: Nagdaos ang Iglesia Filipina Independiente o Aglipay Church sa bayang ito ng Santacruzan – Flores de Mayo nitong Linggo ng hapon.
Tampok sa Santacruzan ang nangungunang karong hitik sa bulaklak na lulan ang krus. Sinusundan ito ng mga naggagandahang batang sagala at Reyna Elena katabi ang kanyang makisig na konsorte.
Tampok naman sa Flores de Mayo ang Imahen ng Mahal na Birhen o Virgen delas Flores sakay ng karong napapalamutian ng mga bulaklak. Ang Flores de Mayo ay bilang debosyon sa Virgin Mary.
Ang mga bata sa kanilang naggagandahang gown ay isa-isang may marka ng bawat titik ng “Ave Maria” samantalang may mga dalagita at dalagang suot ang kanilang magagandang bestida na ang iba’y nakangiting lumalakad sa ilalim ng arko.
Si Rev. Fr. Celso Dilig ang nangangasiwa sa Saint Catherine of Siena Parish ng IFI- Samal. (30)