Home Headlines Peace caravan, ‘Kontra Bigay’ road show isinagawa ng NE police

Peace caravan, ‘Kontra Bigay’ road show isinagawa ng NE police

339
0
SHARE

LUNGSOD NG CABANATUAN — Binigyang-diin ng Nueva Ecija Police Provincial Office ang kampanya nito para sa mapayapang halalan at paglaban sa vote-buying sa pamamagitan ng isang road show nitong Miyerkules, limang araw bago ang botohan.

Pinangunahan ni NEPPO director Col. Ferdinand Germino ang paace caravan at road show na “Kontra Bigay,” kasama ang Commission on Elections at Armed Forces of the Philippines.

Mahigit sa 70 na pinagsamang mobile assets mula sa NEPPO, Special Action Force, 70th Infantry Battalion, 7th Infantry Division ng AFP, Comelec, at iba’t ibang stakeholders ang lumahok sa motorcade na umikot sa ilang piling lugar sa lalawigan ng Nueva Ecija. 

Bitbit ang temang “Peace Caravan, Para sa Maayos at Ligtas na Halalan,” layunin ng programa na pagtibayin ang pagkakaisa ng mga ahensya ng gobyerno at mamamayan upang mapanatili ang integridad ng halalan at labanan ang anumang uri ng katiwalian o pandaraya.

 “We know that every vote represents a dream, a hope, and a future. Ngunit kapag may lagayan, pagbili ng boto, at karahasan, nawawala ang tunay na boses ng mamamayan. Kaya ngayon, sa pamamagitan ng peace caravan, dinadala natin ang mensahe sa bawat sulok ng Nueva Ecija: ang boto ng Pilipino ay hindi binibenta—ito ay pinaglalaban,” ani Germino. Contributed photos

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here