Magsasaka, hiniling na i-libre sa bayad-patubig

    411
    0
    SHARE

    PALAYAN CITY – Isinusulong ngayon ng mga opisyal ng Nueva Ecija na malibre sa bayad-patubig ang mga magsasaka na naapektuhan ng kalamidad sa lalawigan, partikular ng mga pagbaha dulot ng bagyong Pedring at Quiel.

    Sa pangunguna ni Vice Gov. Jose Gay Padiernos, pinagtibay ng SP ang  Resolution no. 224-s-2011 na humihiling sa National Irrigation Administration na huwag nang singilin ng kabayaran sa serbisyo ng patubig o Irrigation service Fee (ISF) ang mga Novo Ecijano ngayong taon.

    Isinasaad sa resolusyon na ang palay at iba pang pananim sa Nueva Ecija ay labis na napinsala at tiyak na ito ay magdudulot ng karagdagang pabigat sa mga magsasaka at kanilang pamilya.

    Sinang-ayunan naman nina Gov., Aurelio Umali at Penaranda Mayor Ferdinand Abesamis, pangulo ng League of Municipalities-Nueva Ecija Chapter, ang nasabing resolusyon-kahilingan.

    Ang NIA, sa pamamagitan ng Upper Pampanga River Integrated Irrigation System (NIA-UPRIIS) na nagsusuplay ng tubig-irigasyon sa mahigit 100,000 ektarya ng bukirin sa Nueva Ecija, at mga bahagi ng Bulacan, Pampanga at Tarlac ay naniningil ng dalawa at kalahating kaban ng palay bawat ektarya tuwing tag-ulan, at tatlo’t lakahating kaban ng palay sa bawat ektarya tuwing tag-araw bilang ISF.

    Ayon kay Reynaldo Puno, operations manager of NIA-UPRIIS, tinatayang nasa 107 pa lamang ng palayan sa naseserbisyuhan ng NIA-UPRIIS ang naani bago manalasa ang dalawang bagyo.

    Gayunpaman, marami pa rin naman, aniyang palayan ang nakaka-rekober.

    Ayon sa kanya, umiiral na patakaran ng kanilang tanggapan na i-libre sa ISF ang sinumang magsasaka na aani lamang ng 40 kaban ng palay bawat ektarya o mas mababa pa.

    “Ang gagawin lang nila ay i-report sa technician,” aniya. Maari, ani Puno, na ipatupad ang paglilibre sa ISF sa “case to case basis.”

    Ang resolusyon ay nakatuon kay NIA Dministrator Antonio Nangel.

    Samantala, hiniling ni Umali sa pamahalanag nasyunal na magpatupad ng mga programang tulong sa mga apektadong magsasaka. Posibleng isagawa ito, ayon sa punong lalawigan, sa pamamagitan ng sistemang conditional cash transfer.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here