Home Headlines PNP-ACG at GCash nagbabala sa publiko laban sa shoulder surfing, video-sharing, at...

PNP-ACG at GCash nagbabala sa publiko laban sa shoulder surfing, video-sharing, at screen-sharing scams

300
0
SHARE
Nagbabala ang PNP-ACG at GCash sa publiko na mag-ingat sa mga scam tulad ng shoulder surfing, video-sharing, at screen-sharing

Nagbabala ang Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) at ang nangungunang finance app na GCash sa publiko na mag-ingat laban sa mga bagong scam tulad ng “Video Sharing,” “Screen Sharing,” at “Shoulder Surfing.” Ang mga ito ay ilan sa mga pinakabagong modus ng cybercriminals upang ma-access ang financial accounts ng mga biktima.

Video Sharing at Screen Sharing Scams

Ang video sharing at screen sharing scams ay nangyayari kapag nililinlang ng mga fraudsters ang mga user na i-share ang kanilang screen gamit ang social media messaging apps, habang gumagawa ng online banking o e-wallet transactions. Madalas magpanggap ang mga scammer bilang customer service representatives, kamag-anak, o opisyal ng gobyerno upang mapaniwala ang biktima na ibigay ang kanilang sensitibong impormasyon tulad ng MPIN (Mobile Personal Identification Number) o OTP (One-Time Password). Kapag nakuha na ang impormasyon, agad itong ginagamit ng scammers para ma-hijack ang account at gumawa ng unauthorized transactions.

Mahigpit na nagpaalala ang GCash sa mga user na huwag kailanman i-share ang kanilang screen o account details. Hindi magre-request ang mga kinatawan ng GCash na mag-screen share o ang hihingin ang mga personal na impormasyon sa pamamagitan ng social media o anumang hindi opisyal na channel. Para tiyaking lehitimo ang anumang request, maaaring mag-confirm sa pamamagitan ng GCash app o website.

Shoulder Surfing Scams

Ang Shoulder Surfing scam ay nangyayari sa mga pampublikong lugar kung saan sinasamantala ng scammers ang pagkakataong makasilip sa mga device ng user habang naglalagay ng sensitibong impormasyon, tulad ng MPIN o OTP. Karaniwang target ang mga small business owners o sellers na abala sa transaksyon.

Upang maiwasan ang Shoulder Surfing, ipinapayo ng GCash na takpan ang screen at keypad kapag naglalagay ng MPIN, OTP, o password. Mahalagang maging alerto sa paligid lalo na sa masikip o pampublikong lugar.

Babala mula sa PNP-ACG at GCash

Ayon kay PBGEN Bernard Yang, Director ng PNP-ACG, “Habang umuusad tayo sa digital age, kailangang maging mas alerto ang lahat laban sa mga emerging scams.” Binigyang-diin niya na ang ganitong mga scam ay mga bagong banta na nangangailangan ng mas mataas na awareness mula sa publiko.

Muling pinapaalala ng GCash na huwag kailanman ibahagi ang MPIN o OTP kahit kanino. Sa pamamagitan ng kampanyang #GSafeTayo, nagbibigay ang GCash ng tips at paalala sa mga user para maprotektahan sila laban sa fraud.

Nagbabala rin ang PNP-ACG at GCash laban sa phishing scams gamit ang pekeng emails, SMS, o tawag na may malicious links o urgent requests para sa personal na impormasyon. Ipinapayo nila na siguraduhing lehitimo ang anumang communication sa pamamagitan ng pag-contact sa opisyal na hotlines o website, at huwag mag-click sa mga hindi pamilyar na links.

I-report ang Scams at Fraud

Para mapalakas ang kampanya laban sa mga scam, hinihikayat ng PNP-ACG ang publiko na agad i-report ang anumang fraudulent activities sa hotline 1326. Maaari ring i-report ng GCash users ang kahina-hinalang aktibidad sa Help Center ng app o opisyal na customer support channels. Sa pamamagitan ng pagiging alerto, maagap, at pag-uulat, makakatulong ang publiko sa paglikha ng mas ligtas na online environment para sa lahat.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here