I.
Dahil sa magkakaibang PANANAW ng Pilipino
sa pag-uugali at maging sa usapin ng PRINSIPYO
ang kalagayan ng bansa’y lalong nagiging magulo
at ang mga MAMAMAYAN ang labis na apektado
marami ang SUMASAWSAW sa nangyaring pag-aresto
ng INTERPOL at ICC sa ating dating pangulo
II.
Mga FAKE NEWS ay laganap na ngayon sa SOCIAL MEDIA
na pinaniniwalaan ng maraming mambabasa
ang kanilang hangarin ay makakuha ng simpatya
sa mga taong nilamon na ng BULOK na sistema
at dahil napakaluwag nitong ating DEMOKRASYA
kalayaang magpahayag ginagamit na SAN DATA
III
Opinyon ng mga tao hinggil dito sa ICC
hati at magkasalungat ang kanilang SINASABI
ang pananaw ng DDS sa ganitong PANGYAYARI
kagagawan daw ito ng ilang POLITICAL PARTY
at ang kasong isinampa na CRIME AGAINST HUMANITY
sa bansa dapat LITISIN dahil dito raw nangyari
IV
Sagot ng maka-BBM sa ICC naisampa
ang kaso at hindi rito ng kaanak ng BIKTIMA
dapat lamang daw MANAGOT ang kanilang inihabla
upang makamit nila ang inaasam na HUSTISYA
kung dito raw lilitisin ay baka MAABSWELTO pa
lalo’t kung ang kalaban ay malakas ang IMPLUWENSIYA
V.
Magulo ang kalagayan nitong ating BANSA ngayon
magmula ng mapiit sa NETHERLANDS si tatay DIGONG
maraming NAKIKISIMPATYA sa kanyang pagkakakulong
lumaganap ang protesta, RALLY dito RALLY doon
sa ganitong nangyayari di malabong magkaroon
ng POLITICAL CRISIS sa papalapit na ELEKSIYON
VI.
Pati na OFW ay nakikisawsaw na rin
na tila nagpapadala sa silakbo ng damdamin
ang ZERO REMITTANCE WEEK na ninanais nilang gawin
ay magdudulot lamang ng mabigat na SULIRANIN
hindi lang sa pamilya ng BAYANING itinuturing
kung di maging sa pagdaloy ng EKONOMIYA natin
VII.
Hayaan na lamang natin na litisin sa ICC
dating PANGULO ng bansa na sa atin ay nagsilbi
kung sakaling ang desisyon ABSWELTO o kaya’y GUILTY
mayron bang dapat MANAGOT kung ganon ang mangyayari?
lalo kung ang PAGLILITIS ay sa NEUTRAL GROUNDS nangyari
sa resulta ng hatol ay wala tayong MASISISI