GAPAN CITY – Kapayapaan at kaunlaran.
Ito ang naging buod ng panalangin ng mga lider ng Simbahang Katoliko at pamahalaan sa canonical Mass na ginanap para sa pagdiriwang ng ika-43 anibersaryo ng canonical coronation ng Divina Pastora at ika-23 anibersaryo ng deklarasyon bilang national shrine nito noong Linggo ng hapon.
Ang Banal na Misa na pinangunahan ni Bishop Sofronio Bancud ng Diocese of Cabanatuan City ay dinaluhan din ng kaparian ng Nueva Ecija, gayundin nina Gov. Aurelio Umali, Presidential Assistant for Central Luzon Lorelei Fajardo, Mayor Ernesto Natividad, Vice Mayor Christian Tinio at mga kagawad ng sangguniang panlungsod.
Mga piling residente at panauhin naman ang gumanap sa re-enactment ng koronasyon na nilahukan din ng ilang opisyal ng gobyerno.
Ang kapistahan ng Divina Pastora ay nagtatapos tuwing ika-1 ng Mayo. Isa ito sa pinakamalaking selebrasyon para sa mga mananampalatayang Katoliko at dinarayong gawain dito sa Nueva Ecija, lalo na ng mga namamanata.
Sa kanyang homiliya ay sinabi ni Bishop Bancud na dahil sa pamamatnubay ng Divina Pastora ay harinawang malapit ang mananampalataya kay Kristo. Ang mga halimbawa ng Birheng Maria, ayon sa kanya, ay daan para sa tunay na kapayapaan.
Sa kanyang pahayag, sinabi naman ni Gov. Umali ang kanyang dalangin na maging mapayapa hindi lamang ang Nueva Ecija kundi maging ang buong bansa.
Binigyang diin ni Usec. Fajardo na sa tulong ng Divina Pastora ay hiling niya ang tagumpay ng mga programang isinasakatuparan ngayon ng pamahalaan.
Ang Pilipinas at iba pang mga bansa sa mundo, kabilang na ang mauunlad na tulad ng United States, ay kasalakuyang gumagapang dahil sa krisis pang-ekonomiya.
Sa kabila naman ng malakas na pag-ulan habang isinasagawa ang Misa, naging masigla pa rin ang mga mananampalataya sa prusisyon ng mga sSanto.