Home Headlines Dengue fast lanes bukas na sa lahat ng pampublikong ospital sa Bulacan

Dengue fast lanes bukas na sa lahat ng pampublikong ospital sa Bulacan

149
0
SHARE

LUNGSOD NG MALOLOS (PIA) — Ipinag-utos ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan ang pagtatalaga ng dengue fast lanes sa lahat ng mga pampublikong ospital nito.

Ayon kay Provincial Health Officer Edwin Tecson, ipinalabas ang kautusan para sa mabilis at episyeteng pangangalaga sa mga pasyenteng hinihinalang may naturang sakit.

Mahalaga aniya ang mga fast lane para sa maagap na pagtuklas ng sintomas, mabilis na paglunas, at aktibong pamamahala ng mga kaso lalo na sa panahon ng outbreak.

May dengue fast lane na sa emergency room triage area ng Bulacan Medical Center upang mabilis at episyeteng matugunan ng medikal na atensyon ang pasyenteng hinihinalang may dengue fever. (Vinson F. Concepcion/PIA 3)

Dapat din tiyakin ng mga ospital na mayroon silang sapat na suplay ng mga kinakailangang kagamitang medikal at gamot kabilang ang intravenous fluids, diagnostic tools, at mga mahahalagang medikasyon upang episyenteng matugunan ang mga pasyenteng may dengue.

Sa tala ng Provincial Epidemiology  and Surveillance Unit, umabot na sa 3,610 ang naitalang kaso ng dengue sa Bulacan mula Enero 1 hanggang Pebrero 28, 2025.

Ito ay 260 porsyento na mataas kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Sa kasalukuyan, mayroon ng 187 barangay  mula sa 24 na bayan at lungsod ang nagpakita ng clustering o sunod-sunod na kaso sa nakalipas na apat na linggo. (CLJD/VFC, PIA Region 3-Bulacan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here