CASIGURAN, Aurora – Tiniyak ng isang mataas na opisyal ng Aurora Special Economic Zone Authority (ASEZA) na hindi mawawalan ng lugar ang mga magsasaka sa konstruksiyon ng 500-ektaryang ecozone dito.
Ayon kay Aseza Chairman Joseph Bernardo, ang mga apektadong may-ari ng lupa at mga magsasaka ay bibigyan ng malilipatan kapag ginamit na ng gobyerno ang 500 ektaryang lupain sa mga barangay ng Debet, Dibacong at Esteves.
Ito ay taliwas sa naunang ulat na may 3,000 magsasaka at may-lupa ang mawawalan ng puwesto dahilan sa inaasahang konstruksiyon ng mga gusali at mga lansangan sa lugar na ito.
Sinabi ni Bernardo na si Sen. Edgardo Anagara ay nagpasimula na ng negosasyon sa National Housing Authority (NHA) para sa paglalaan ng panimulang 20 ektaryang lilipatan na may probisyon ng kumpletong pamayanan.
Ayon kay Bernardo, tiyak na mas mataas na presyo ang iaaalok ng ASEZA para sa mga maaapektuhang lupain kumpara sa umiiral na bilihan sa lugar. Sa ngayon, ayon sa ulat, ang may patubig na lupa ay nagkakahalaga ng P100,000 kada ektarya samantalang ang walang irigasyon ay P80,000 kada ektarya.
“Definitely, we are going to offer a higher price,” aniya. Nagpahayag siya ng pag-asa na hindi maglalaon at sasang-ayon ang mga may-ari ng lupa sa negosasyon.
Ang ecozone, aniya, ay hindi nasasakop ng ipinalabas na kautusan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo nagbabawal sa pagsasaling-gamit ng lupa sa loob ng 2 taon.
“But anyone who wants to sell in the irrigated areas, we would welcome them,” sabi niya.