Bahay ng konsehal, pinasabugan ng granada

    387
    0
    SHARE
    CABIAO, Nueva Ecija – Dalawang pagsabog ang yumanig sa tahanan ng isang konsehal ng bayan dito kahapon ng madaling araw, ayon sa pulisya.

    Ayon kay Konsehal Jomar Wycoco, kapatid ni yumaong National Bureau of Investigation (NBI) Dir. Reynaldo Wycoco,  bandang ala-1:00 ng umaga nang makarinig siya ng dalawang pagsabog malapit sa kanilang silid-tulugan.

    Hindi niya matiyak kaagad kung ano ang sumabog o pumutok na naging dahilan din ng pagkasira ng kanyang nakagaraheng sasakyan.

    Ayon kay  SP04 Isagani Ortiz, hepe ng pambayang pulisya, lumilitaw sa paunang imbestigasyon na mga hindi kilalang suspek ang naghagis ng dalawang granada sa bahay ni Wycoco.

    Isa sa mga granada ang hindi sumabog, dagdag ni Ortiz.

    Wala namang masabi si Wycoco na posibleng may motibo sa krimen, maliban sa pagsasabing posibleng may kinalaman ito sa kanyang trabaho bilang konsehal.

    Kasalukuyan pang ginagawa ang imbestigasyon, ayon sa kanya.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here