Home Headlines 1,000 ‘Charitimba’ ipinamahagi ng PCSO sa Malolos

1,000 ‘Charitimba’ ipinamahagi ng PCSO sa Malolos

140
0
SHARE

LUNGSOD NG MALOLOS (PIA) — Pinagkalooban ng tig-iisang “Charitimba” ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang nasa isang libong mga barangay volunteers at mga pinakamahihirap sa lungsod ng Malolos. 

Pinangunahan ni PCSO Board of Directors member Jennifer Liongson-Guevara ang naturang outreach program kung saan kabilang sa mga nabiyayaan ang mga Lingkod Lingap sa Nayon, Mother Leaders, Barangay Health Workers, mga opisyal at empleyado ng barangay, Bantay Dagat, LGBTQIA+, mga taong simbahan, solo parents, mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association, non-governmental organizations, at persons with Disabilities. 

Nasa 1,000 “Charitimba” ang ipinamahagi ng Philippine Charity Sweepstakes Office sa mga barangay volunteers at mga pinakamahihirap na residente sa lungsod ng Malolos. (Malolos CIO)

Ayon kay Liongson-Guevara, ang proyektong “Charitimba” ay isang social corporate responsibility ng PCSO na naglalayong makatulong sa pagbibigay ng mga pagkain at makapag-ambag sa pagkakaroon ng mainam na nutrisyon.  

Kaugnay nito, nagkaloob ng educational grant ang ahensiya sa 20 indibidwal upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at makamit ang kanilang mga pangarap sa buhay.

Isang government-owned and controlled corporation ang PCSO na nasa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo. 

Pangunahing mandato nito ang makapagpalaro upang makalikha ng pondo na itutulong sa iba’t ibang serbisyong panlipunan. (CLJD/VFC, PIA Region 3-Bulacan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here