Home Opinion Sakripisyo ng isang guro

Sakripisyo ng isang guro

214
0
SHARE

‘di pa sumusungaw, ang sikat ng araw,

agad nang babangon, sa aking higaan,

puyat man sa gabing, oras na nilaan,

nakahandang ganap, sa papapasukan.

 

iilang subo lang at kapeng maiinit,

sapat nang almusal, sa tiyan matigib,

tanging mahalaga, buo pa ang isip,

at maibahagi ko, araling isulit.

 

kahit namamalat, sa pagsasalita,

‘di ko tumitigil, hanggat may oras pa,

kung minsa’y kamay ko, ngalay ngalay na,

“chalk” na tangang-tangan, sa “blackboard” abala.

 

maingay man kayo, aking mag-aaral,

bale wala sa’kin, pasensiya’y umiral,

hindi alintana, munting kaguluhan,

oras ding daratal, ang katahimikan.

 

lahat may hangganan, napikon ng husto,

ingay na palagi, patuloy ang gulo,

hawak na pambura, aking ibinato,

nagbigla ang lahat, dito lang huminto.

 

ang nawika ko pa, “hindi ko nais gawin,

kamay ko’y madampi, o kayo’y masaling,

ang saktan ko kayo, salang ituturing,

nguni’t sukdulan na, ang di ninyo ko pansin.”

 

“ilang buwan at taon, dito sa eskwela,

halos buong buhay ko, naging bahay ko na,

kokonting panahon, piling ang pamilya,

kaya nabansagang, pangalawang ina.”

 

“hindi n’yo lang alam, aking sakripisyo,

kahit nasa bahay, bitbit ang trabaho,

upang ibahagi, ang nalalaman ko,

inyong kapalaran, ay maging progreso.”

 

“sa kokonting sahod, sagana sa utang,

minsa’ y kumakapit, sa may patubuan,

at pinagkakasya, sa iisang buwan,

nguni’t di pabaya, para lang sa bayan.”

 

“kung sa inyong tingin, ako’y balewala,

‘lang sanang engineer, architect o doktora,

na hindi dumaan, sa aming pagpapala,

kung may pangarap pa, ngayon magsimula.”

(Ang may akda ay isang guro sa Talang High School, Candaba, Pampanga)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here