Home Opinion HABANG MAYROONG SIGARILYO HINDI TITIGIL ANG NANINIGARILYO

HABANG MAYROONG SIGARILYO HINDI TITIGIL ANG NANINIGARILYO

161
0
SHARE
kahit na gawin pang isangdaang piso
presyo bawat stick nitong sigarilyo
marami pa rin sa mga pilipino
ang di titigil sa paninigarilyo
kahit kalusugan nila’y apektado
ay di tatalikod sa nasabing bisyo
II
Ang presyo ng yosi sa kasalukuyan
mabigat sa bulsa di na makayanan
naninigarilyo nating kababayan
kahit nagdurusa hindi maiwasan
lalo na ang tambay sa mga lansangan
na umaasa lang sa mga magulang
III
Mga taong walang sapat na salapi
bumibili na lang ng patingi-tingi
at ang iba naman diskarte palagi
di na bumibili hingi lang ng hingi
sasabihan ka pang masama ugali
pag di mo nabigyan taong humihingi
IV
Mayrong sigarilyo na napakamura
at patago lamang kung ito’y ibenta
di ka pagbibilhan kung di ka kilala
dahil natatakot ang mga tindera
kapagka nahuli malaking halaga
ang ipinapataw sa kanilang multa
V
Ang sigarilyo at ang presyo ng alak
panahon ni Ninoy ng ito’y tumaas
marahil ang kanyang pangunahing hangad
upang sa sakit ang tao’y makaiwas
o ito ay dahil lamang sa excise tax
na sa mamamayan labis na pahirap
VI
Kung totoong pakay ng ating gobyerno
ay kalusugan ng mga pilipino
bakit di na lamang kaya isarado
ang pagawaan ng mga sigarilyo
dahil kung titigil ang produksiyon nito
titigil na rin ang mga nagbibisyo
VII
Bukod sa ang tao ay makakatipid
makakaiwas pa sa maraming sakit
kung ang gobyerno ay mayrong malasakit
ang planta ng yosi dapat ipaalis
wag munang isipin mawawalang buwis
kalusugan muna ang siyang isa-isip

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here