Home Headlines Libreng operasyon sa may cleft lip isinagawa sa Zambales

Libreng operasyon sa may cleft lip isinagawa sa Zambales

141
0
SHARE

IBA, Zambales — Higit sa 76 na pasyenteng may cleft lip o bingot mula sa Zambales, Bataan, Pampanga, Cavite, at Bacolod City ang sumailalim sa libreng operasyon na ginanap sa President Ramon Magsaysay Memorial Hospital sa bayang ito.
Ang libreng operasyon ay nagsimula noong Feb. 1 at magtatapos ng Feb. 7.

Ito ay proyektong handog nina Gov. Hermogenes Ebdane Jr at Iba Vice Mayor Joan Ballesteros sa pakikipagtulungan ng P.A.G.E.S Operation Hope ng Philippine American Group of Educators and Surgeons.

Animnapu’t apat na international surgeons at doctors mula Hong Kong, Singapore, UK, US at Australia ang nangasiwa sa operasyon.


Layunin ng nasabing programa na mabigyang-pansin at matulungan ang ating mga kababayan na nangangailangan ng kalinga.

Kabilang sa nabigyan ng serbisyo ay ang mga kabataan na nasa edad na dalawang taong gulang hanggang 13 taong gulang kasama din ang kanilang mga magulang na  bingot at ngongo.
Ayon kay Iba Vice Mayor Ballesteros, sa Zambales ay may mahigit sa 50 bingot at ngongo ang naoperahan; Bataan, 7; Pampanga, 1; Cavite, 15; at Bacolod City, 1.
Contributed photos

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here