Home Opinion Tulay sa San Simon, nakatengga pa rin hanggang ngayon

Tulay sa San Simon, nakatengga pa rin hanggang ngayon

131
0
SHARE

Maraming nag-uusisa at ang mga nagtatanong

kung ang tulay ng SAN MIGUEL sa may bayan ng San Simon

ay sisimulan na ulit ang NAUDLOT na konstruksiyon

at kung ito’y MATATAPOS na nga raw ba ngayong taon

pagkat batid ng marami ito’y may PONDO na noon

ng halagang diumano”y higit TATLONG DAANG MILYON 

Oo higit tatlong daang milyon na ang IPINONDO 

upang ang nasabing tulay MAGAWA na diumano

taong 2022 pa ng PASINAYAAN ito

ng ating CONGRESSWOMAN sa ika-apat na distrito

at sa INAGURASYON ay kasama pa nito mismo

ang alkalde at vice mayor na dating MAGKAALYADO

III. 

Saan napunta ang pondo para sa nasabing TULAY? 

na sa barangay San Miguel at San Jose’y nag-uugnay

hanggang kailan magtitis hanggang kailan maghihintay

mga pobreng RESIDENTE ng apektadong barangay

pondong NAKALAAN dito saan kaya inilagay

at kung ito ay wala na sino kaya ang LUMUSTAY? 

Yan ang katanungan ngayong dapat mabigyan ng sagot

ng lahat ng personaheng sa proyekto ay kasangkot

ang DPWH nga ba ang siyang dapat na managot

o ang lokal na gobyerno sa proyekto na naudlot

sa isip ng mamamayan ngayo’y tila bumabalot

ang mga sapantaha na ang pondo ay nakurakot

Sa pagkawala ng tulay marami ang apektado

hindi lamang ESTUDYANTE kundi pati na BIYAHERO 

sa panahon ng tag-ulan ay napaka DELIKADO 

lalo na sa mga taong sumasakay sa BADEO 

tila ba kay kamataya’y nakikipag PATINTERO

ang ilan sa di marunong lumangoy na PASAHERO 

Kung kailan yan matatapos ay hindi pa natin batid

baka ito’y abutin pa ng taong 2026

pansamantala siguro’y magtayo muna ng FOOT BRIDGE 

na kung saan ang TRICYCLE ay pwede ring makatawid

upang ang PAGLALAKBAY ng mga tao’y mapabilis

lalo na sa pagbibiyahe ng mga taong MAYSAKIT 

VII. 

Ang tanong ng mamamayan ng SAN SIMON ay ganito

sa mga KONGRESISTA ng ika-apat na distrito

ang tulay ba ng San Miguel ay may NAKALAANG pondo? 

sa taong 2025 upang masimulan ito?

ilang taon pa ang dapat hintayin ng mga tao

upang bigyang katuparan ang naudlot na PROYEKTO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here