Home Headlines ๐Œ๐‚๐†: “๐‚๐š๐ฌ๐ž ๐๐ข๐ฌ๐ฆ๐ข๐ฌ๐ฌ๐ž๐. ๐‹๐ž๐ญ’๐ฌ ๐ฆ๐จ๐ฏ๐ž ๐Ÿ๐จ๐ซ๐ฐ๐š๐ซ๐ ๐š๐ง๐ ๐ฆ๐š๐ข๐ง๐ญ๐š๐ข๐ง ๐จ๐ฎ๐ซ ๐š๐ญ๐ญ๐ž๐ง๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ญ๐จ ๐ฌ๐ž๐ซ๐ฏ๐ข๐ง๐ ...

๐Œ๐‚๐†: “๐‚๐š๐ฌ๐ž ๐๐ข๐ฌ๐ฆ๐ข๐ฌ๐ฌ๐ž๐. ๐‹๐ž๐ญ’๐ฌ ๐ฆ๐จ๐ฏ๐ž ๐Ÿ๐จ๐ซ๐ฐ๐š๐ซ๐ ๐š๐ง๐ ๐ฆ๐š๐ข๐ง๐ญ๐š๐ข๐ง ๐จ๐ฎ๐ซ ๐š๐ญ๐ญ๐ž๐ง๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ญ๐จ ๐ฌ๐ž๐ซ๐ฏ๐ข๐ง๐  ๐จ๐ฎ๐ซ ๐ค๐š๐›๐š๐›๐š๐ฒ๐š๐ง๐ฌ.”

168
0
SHARE
Mabalacat City, Pampanga – Naging maikli at tuwirang mensahe ni Mayor Crisostomo Garbo kaninang flag-raising ceremony kaugnay ng pagkakadismiss ng kaso laban sa kanya ng kaniyang katunggali sa pulitika. Ayon kay Mayor Cris Garbo, hindi siya nasurpresa sa naging desisyon ng Ombudsman dahil alam niya at ng mga Mabalaquenians ang katotohanan.

Sa isang pahayag matapos ang flag ceremony, nabanggit ng alkalde na ang hangarin niya ay magpatuloy sa mga proyekto para sa kanyang mga kabalen at manatiling nakatuon sa pangangailangan ng mga Mabalaquenians.

“Nais kong ipahayag ang aking taos-pusong pasasalamat sa Diyos at sa inyong patuloy na suporta. Ang inyong pagtitiwala ay nagsilbing lakas sa akin habang akoโ€™y humaharap sa mga hamon ng pamamahala. Bagamat ako’y natutuwa sa desisyong ibasura ang walang saysay na alegasyon, hindi na po ako nagulat dito. Alam natin ang ating layunin at ang mga prinsipyo na ating pinapahalagahan. Ang mga Mabalaqueรฑos ay may malinaw na pag-iisip at matibay na pananampalataya sa Diyos. Hinding-hindi tayo magiging biktima ng mga paninira ng iilang may pagnanais na mamuno.”

Former MCTEG head Ralph David added, “Sa kabila ng mga pambabatikos ng mga kumakalaban, patuloy lamang si Mayor Cris Garbo sa paglilingkod sa ating mga kababayan. Salamat sa Diyos sa Kanyang walang-sawang paggabay. Maraming salamat rin sa ating mga kababayan na hindi nagpadala sa mga negatibong pamumulitika.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here